Pinoy Teleserye Feels and Pattern

Mahilig ka man manood ng teleserye o hindi (dahil sawang-sawa kana). Ito ang madalas na mapapansin mo sa mga teleseryeng napapanood mo sa TV:

1. The “saint bida” vs “evil kontrabida”
Sa mga palabas pwede ba namang walang bida at kontrabida?
Sa teleserye kadalasan ang bida ay nagtataglay ng busilak na kalooban, mabuting puso at parang hindi na uubusan ng bait sa katawan, kaya naman madalas itong apihin ng mga kontrabidang halang ang kaluluwa at wala ng ginawa kundi mang physical at emotional abuse sa ating bida.

2. Rich family vs. Poor family
Hindi pwedeng wala  ito sa listaha natin.
Sa teleserye settings, madalas  magka-love team ang mayaman at mahirap na with all the odds, obstacles, trials at mga goons na pipigil sa kanilang wagas na pagmamahalan. Usually, ang bida ay mahirap at ang mga kontrabida naman ay saksakan ng yaman; nakatira sa napakalaki at napaka garang mansyon, Isang haciendero o haceindera, nag mamay ari ng malaking business o boss sa isang malaking kompanya. Akala mo  palaging may party na pupuntahan, naka-dress up at naka-make up kahit nasa bahay lang naman sila nakatambay.
3. Long lost daughter/Son or Parents drama

Sa mga teleserye, hindi mawawala ang temang  may nawawala: nawawalang tao, aso ,gamit at lahat ng klaseng nawawala. Madalas ang nawawalang tao which is ang bida na lumaking mahirap, ay anak mayaman pala. ang madalas na sitwasyon, ipinagpalit ng mga kontrabida ang mga anak o itinago na pag katagal tagal na panahon.
Madalas paglapitin ang nawawalang bida sa kanilang long lost parents. Kahit hindi nila alam na sila ay magkadugo, magaan ang kanilang loob, dahil sa tinatawag na LUKSO NG DUGO effects.
Hindi rin mawawala sa eksena ang pagpapa-DNA test para mapatunayan kung sino ang totoong anak—pero  malaking dagok na naman ito sa ating bida…dadayain na naman ito ng mga kontrabida upang mapigilan ang paglabas ng katotohanan, pero sabi nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag at ang katotohan pa rin ang mananaig.


4. Magkaribal sa pag-ibig o Kaagaw sa yaman

Hindi lang yaman o mana ang isyu ng mga pegs na to. Magkaribal din sila sa pag ibig, atensyun at pagmamahal ng magulang. Sabunutan, lublob sa tubig scenes at sampalan pa more. Anong problema nila??

5. Pinaglayo. Lumayo. Umalis at bumalik Concept.
Ito ang temang pasok pa rin sa ating listahan. Sa eksenang ito madalas pinaglalayo ang ating mga bidang wagas kung magmahalan. Lumayo ang isa ng matagal na panahon at muli itong babalik with all of the changes; yumaman ang peg, new look, tumalino bigla, at naging corporate boss ng malaking kompanya. Wow!
Tapos ang eksena sa malaking party muling magkikita ang ating dalawang bida. And they still feel the same way-- mahal pa rin nila ng isat-isa, pero ang isa ay nakatali na o ikakasal na sa iba.


6. Run away brides.
Ilang eksena na ba ang napanood ko sa teleserye ang ganito? bakit pa pinaabot pa sa araw ng kasal? ayun, nakagastos na sa pagkain, sa lechon at reception. Ang laki-laki na ng gastos tapos mag ra-run away bride lang? ay nako! ayusin nyo yan! tipid tipid din pag may time!

7. Drama into action

Madalas nagiging aksyon ang isang drama kapag patapos na ito.
Okay, happy ending na sana, nalaman na ang katotohanan, nag wagi ang pagmamahalan ng ating mga bidang maladas mag PDA sa baywalk. Nagkaroon na ng kapatawaran, pero hep! hep! Nandito na naman ang ating kontrabidas, na hindi na uubusan ng evil plans at muling maghahasik ng lagim.
Madalas may eksenang kidnapping kung saan makikidnap ang babaeng bida. Ililigtas naman ito ng ating bidang lalaki ng mag isa. Epic! kahit na pwede naman s'yang mag patulong sa maga pulis, pupunta pa rin ito ng mag isa kasi yun ang sabi ni direk at naka sulat sa script.
Ang setting madalas sa lumang bahay o abandunadong warehouse (action na action ang dating)
Barilan, suntukan , may mga pasabog effects. Pero syempre sa huli ang kabutihan at pag ibig pa rin ang mag wawagi.
Pagkatapos ng aksyon, dyan na darating ang mga pulis upang maglinis ng mga kalat.
FASTFORWARD—and they live happily ever after.
At natapos rin.
Nakakatuwang isipin na madalas ganito pala ang eksenang napapanood natin sa TV. Ibat-ibang artista ang gumahanap, pero halos magkakapareho pa rin ang takbo ng kwento. Ganito ang panlasa ng pinoy. Mahilig kasi daw tayo sa mga extremes: super drama, super action at hopeless romantic.
Maraming Pilipino ang solid fanatics, pero marami rin ang sawang-sawa na sa ganito.


      


2 comments:

  1. I think this is an informative post and it is very useful and knowledgeable. therefore, I would like to thank you for the efforts you have made in writing this article. Pinoy Tv

    ReplyDelete
  2. I needed to thank you for this incredible read!! I unquestionably adored each and every piece of it. I have you bookmarked your site to look at the new stuff you post. Teleserye

    ReplyDelete